Pinas kabilang sa drug money laundering countries sa mundo

KABILANG umano ang Pilipinas sa listahan ng 66 na bansa na sangkot sa drug money laundering countries sa buong mundo, ayon sa US State Department.

Tinatawag ang isang bansa ng drug money-laundering country kung may ilang financial institution na sumasali sa transaksyon na may kinalaman sa bentahan ng iligal na droga sa iba pang bansa.

Batay sa naging tala sa 2012 International Narcotics Strategy Report, patuloy na nakararanas ang Pilipinas ng dumaraming foreign organized criminal activity mula China, Hong Kong at Taiwan.

Pinopondohan umano ng mga insurgency group sa bansa ang mga iligal na gawain sa pamamagitan ng mga local crime, kidnapping for ransom at trafficking in narcotics and arms at pumapasok sa money-laundering sa pakikipag-ugnayan sa mga organized crime.

Kaugnay nito, nababahala ang Philippine Drug Enforcement Agency sa illegal drug trafficking na kinasasangkutan ng mga foreign national.

Dahil dito, mas pinaigting ng ahensiya ang ugnayan sa kanilang foreign anti-drug agencies at counterparts sa ibang bansa.

Bukod sa Pilipinas, kabilang din sa mga bansa sa Asya na nasa listahan ng mga drug money laundering nations ang Thailand, Indonesia, Cambodia, Singapore at Burma.

Sinabi rin sa report na ang perang nagmumula sa korapsyon ay source din ng dirty money sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply