Pinas mag-export ng asukal ngayong buwan

NAKATAKDANG mag-export ng 55,590 metriko tonelada ng asukal ang Pilipinas ngayong buwan.

Ayon kay Sugar Regulatory Administration Administrator Ma. Regina Martin, ang karamihan sa mga asukal ay ipapadala sa Estados Unidos.

Sinabi ni Martin na dahil sa pagtaas ng halaga ng asukal sa pandaigdigang pamilihan, ay inaasahang tataas din ang volume nito upang maabot ang hindi bababa sa 100,000 toneladang asukal para sa world exports.

Bagamat posibleng mas mababa ang maprodyus na asukal para sa crop year na magtatapos sa Agosto 31, higit na mataas pa rin ang produksyon nitong Pebrero ng 12.26% mula sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply