Pinas makararanas ng sunod-sunod na pag-ulan

MAKARARANAS ng sunod-sunod na pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa makaraang huling mamataan ang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Surigao City.

Ayon sa Pagasa forecasting center, ang LPA ang nagdadala ng pag-ulan sa katimugang bahagi ng Luzon, Hilagang Mindanao, Silangang Kabisayaan, kasama na ang Metro Manila.

Dahil sa malaking concentration ng kaulapan, makararanas ng moderate hanggang malalakas na ulan ang Bicol at Eastern Visayas, habang sa iba pang lugar kasama ang Metro Manila ay makulimlim na may kasamang pagbabanta ng pagbuhos ng ulan.

Dagdag pa ng PAGASA, posibleng tumagal hanggang Huwebes ang epekto ng LPA.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply