Pinas nanganganib ma-blacklist sa FATF

NANGANGANIB mapabilang ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang “blacklisted” ng Financial Action Task Force (FATF) kapag hindi naipasa ang dalawang panukalang batas kontra money laundering hanggang Mayo 2012.

Ito ang ibinabala ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr. sa liham na ipinadala kay Senate President Juan Ponce Enrile nitong Marso 1.

Sa liham ni Ochoa, isinama rin nito ang report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong Pebrero 21,2012, hinggil sa ginawang downgrade ng FATF sa Pilipinas mula sa “grey list” pababa ng “dark grey list”.

Na-downgrade ang Pilipinas dahil sa kabiguan ng Kongreso na maipasa ang amendments sa Anti-Money Laundering Act at ang Terrorist Financing Suppression Bill.

Pasado na sa ikatlong pagbasa ng Kamara ang House Bill No. 4275 hinggil sa AMLA amendment bill at ang House Bill No. 5015 hinggil sa terrorist financing suppression bill pero ang counterpart bill nitong Senate Bill No. 3009 at Senate Bill No. 2676, ayon sa pagkakasunod, ay parehong nakabinbin sa plenaryo ng Senado.

Ang FATF, kung saan ang Pilipinas ay indirect member bunga ng membership ng bansa sa Asia Pacific Group (APG) on Money Laundering, ay inter-governmental body na binubuo ng 36-member jurisdictions at ilang observer, na ang hangarin ay ang pagpapaunlad at promosyon ng polisiya sa national at international level, upang labanan ang money laundering at terrorist financing.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply