Pinay dedo sa bugbog ng mga amo sa Kuwait

ISA na namang Filipina ang iniulat na namatay matapos makaraang pagtulungang bugbugin ng kanyang mga amo sa Kuwait.

Kaugnay nito kumilos na ang pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) para imbestigahan ang pagkamatay ng biktima na kinilalang si Adelyn Cebu Sumin-ao, 24-anyos, tubong Kibawe, Bukidnon.

Nabatid sa pahayag ng isang kasambahay na kasama ng kitima na si Eden Hernando sa embahada, pinagsasampal ng kanilang lalaking amo si Sumin-ao hanggang matumba sa sahig at nawalan ng ulirat.

Dahil dito agad na kumuha ng tubig ang babaeng amo at binuhusan si Sumin-ao pero hindi na ito nagkamalay.

Matapos ang insidente, umalis ang mag-asawang Kuwaiti at bumalik lamang makaraan ang apat na oras ngunit wala nang buhay ang biktima.

Upang maikubli ang naganap karahasan, inireport pa ng mag-asawang Kuwaiti sa pulisya na tumakas si Sumin-ao at nang bumalik ay nagpakamatay ito.

Hindi naman agad pinaniwalaan ang mga suspek at dinala sa presinto si Hernando para maimbestigahan sa nangyari.

Arestado at nakakulong na ngayon ang mag-asawa habang ang mga labi ni Sumin-ao ay nasa forensic department pa at hindi maiuuwi sa Pilipinas hanggang hindi natatapos ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Sinampahan na ng embahada ng kasong murder ang mag-asawa.

Inaasikaso na rin ng Overseas Workers Welfare Administrtion (OWWA) dokumento ng napaslang na OFW para sa ibibigay na ayuda ng ahensya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply