Pinay ginahasa ng dalawang Kuwaiti police

PINAIIMBESTIGAHAN na ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang kaso ng ginang na pinagsamantalahan ng mga nagpanggap na pulis matapos dukutin habang kasama pa ang mister na Pinoy noong nakaraang buwan sa naturang bansa.

Nakikipag-ugnayan na ang embahada sa awtoridad ng Kuwait upang madakip ang dalawang lalaking dumukot at humalay sa Pinay overseas Filipino worker (OFW) noong Pebrero 26 matapos magpakilalang mga Kuwaiti police.

Batay sa ulat, ihahatid na sana ng lalaki ang kanyang misis patungo sa trabaho nang huminto sa kanilang harapan ang isang sasakyan, lulan ang dalawang suspect at hinanapan sila ng civil identification card, pati na ang kanilang marriage contract.

Nang kukunin ng lalaki ang kanilang marriage contract sa loob ng kanilang tirahan sa Salmiya, bigla na lamang itinakas ng mga suspek ang babae at dinala sa isang tent sa gitna ng Jahra kung saan itinali ang kanyang dalawang kamay at paa at binusalan ang kanyang bibig bago hinalay sa paiba-ibang posisyon.

Tinuhod pa umano sa likod ang ginang nang manlaban matapos patuwarin bago tuluyang inihatid pauwi at pinagbantaang huwag magsusumbong sa awtoridad kung nais pa nilang mabuhay.

Nangako naman ang mga pulis sa Kuwait sa embahada ng Pilippinas na tutugisin nila ang dalawang suspek na nagpanggap pang mga pulis upang mabigyan ng hustisya ang sinapit ng ginang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply