Pinay kalaboso sa pagkalunod ng alagang sanggol

KALABOSO ngayon ang isang Filipina makaraang mapabayaang malunod ang inaalagaan na sampung buwang sanggol sa France.

Batay sa ulat ng Embahada ng Pilipinas sa France, kiniala ang Pinay worker na si Gina Barangal, 33-anyos at tubong Sta. Rosa Laguna.

Ayon sa ulat, nalunod ang inaalagaang sanggol nang paliguan ito ni Barangal sa bath tab.

Tiniyak naman ng embahada sa France sa Department of Foreign Affairs (DFA) na tinututukan nila ang kaso ng Pinay.

Hinihintay pa sa ngayon ang resulta ng awtopsiya ng pulisya kaugnay sa naganap na insidente.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga kaanak ng Pinay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply