Pinay na drug courier timbog sa PDEA

NASA kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Filipina na itinuturong kasabwat ng international drug syndicate na nasa likod ng mga nahuling drug courier mula sa Africa.

Kasalukuyang isinasagawa ang imbestigasyon ng PDEA sa Pinay na unang nang nahuli sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Iniimbestigahan na rin ang isang taga-Uganda na nahuling may bitbit na P20 milyon halaga ng shabu at ang isang taga-Republic of Guinea, gayundin ang mag-asawang Ghanian na nagtangka ring magpuslit ng iligal na droga.

Naniniwala ang PDEA na posibleng mas malalim at mas malawak pa ang koneksyon ng mga ito pati na ang Pinay sa sindikato ng droga.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga tauhan ng PDEA para bunutin ang ugat ng sindikato ng droga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply