Pinay OFW napagkamalang lalaki ng amo

NAGKAMALI ang isang Emirati employer sa akusasyong lalaki ang nakuha niyang Pinay na kasambahay makaraang ipakita ng pinay ang  kanyang pagkababae sa sa tanggapan ng recruitment agency kung saan siya unang nagreklamo sa United Arab Emirates (UAE).

Naghinala si Umm Mirna na isang lalaki ang kanyang bagong kasambahay isang buwan makalipas itong manilbihan.

Una niyang pinagdudahan ang mga kilos ng kasambahay dahil sa madalas nitong pagyakap sa kababaihan na kasama sa loob ng bahay na pinagsisilbihan.

Bunsod nito pinakialaman ni ng Emirati ang bag ng kasambahay at nadiskubre ang mga gamit ng lalaki tulad ng briefs na nagtulak sa kanya upang magtungo sa recruitment agency kasama ang Pinay kung saan niya kinuha ang tagasilbi.

Sa kabila ng mga paliwanag ng recruitment agency na isang babae ang Pinay housemaid ay hindi pa rin naniwala ang Emirati.  Kabilang sa mga ipinakita sa employer ang passport at iba pang dokumento na nagpapatunay na isang babae ang kasambahay.

Nang ipakita ng Pinay ang kanyang kasarian sa amo sa loob ng comfort room ay saka pa lamang naniwala ang Emirati na isang babae ang kanyang kasambahay na pinagdudahang isang lalaki.

Napag-alaman na tomboy ang Pinay housemaid na may kilos ng isang lalaki. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply