Pinay pa sa China nahaharap sa bitay

KINUMPIRMA ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may isang overseas Filipino worker (OFW) ang nakatakdang tumanggap ng parusang kamatayan sa China matapos mapatunayan sa kasong pagbibitbit ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Raul Hernandez, may isa pang kababayan ang nabigyan naman ng ‘reprieve’ o pansamantalang pagpapatigil na ipatupad ang kaparusahan sa loob ng dalawang taon.

Sinabi pa ni Hernandez na ibinaba ang hatol laban sa dalawang OFW, isang lalaki at babae, ng Hangzhou People’s Immediate Court noong Marso 16.

Gayunpaman, tumanggi ang kagawaran na pangalanan ang mga nasangkot sa pagpupuslit ng 12 kilo ng heroin matapos dumating sa Hangzhou International Airport sa Zheihang province noong Enero 25, 2011.

“Galing ang dalawa sa Dubai at dumaan muna sa Hong Kong bago pumasok ng China,” dagdag pa ni Hernandez.

Batay sa ulat ng konsulado ng Pilipinas sa Shanghai, nabigyan ng ‘reprieve’ ang Pinoy OFW habang hindi naman sinuspinde ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa Pinay OFW.

Sinabi pa n Hernandez na inayudahan ng konsulado ang mga akusado habang dinidinig ang kaso ng mga ito.

Ipinaalam na rin ng kagawaran sa pamilya ng mga akusado ang hatol sa kanila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply