Pinay, syotang Pakistani kulong sa Dubai

KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang Pinay housemaid at boyfriend nitong Pakistani sa United Arab Emirates matapos masentensyahan ng dalawang buwang pagkakulong nang makumpirma ang kanilang relasyon.

Pinagmumulta rin ang Pinay ng Dubai Misdemeanour Court ng Dh2,000 o P23,173.88 sa pera ng Pilipinas sa pagpapapasok sa kanyang boyfriend na makapasok sa villa ng kanyang amo para makapagparaos sa init na kanilang nararamdaman.

Nabatid na dalawang linggo lang na nagkakilala sa Facebook ang dalawa hanggang nagkaibigan.

Dahil dito, ibinigay ng Pinay ang kanyang contact number sa Pakistani at ginawang meeting place ang bahay ng amo.

Natuklasan ang relasyon ng dalawa nang makita ng tagaluto sa villa ang Pakistani na papalabas ng kwarto ng Pinay dahilan para pigilan ito.

Ngunit nakipagbuno ang Pakistani hanggang makatakas pero naiwan naman nito ang kanyang passport na ginawang ebidensiya ng tagaluto sa pagsasampa ng kaso ng kanilang mga amo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply