Pinoy journalist wagi bilang Reuter’s Reporter of the Year

NAPILI bilang ‘reporter of the year’ ng Reuters ang isang Pilipinong mamamahayag na nakabase sa China.

Tinalo ni Benjamin Lim, Reuters’ correspondent sa China, ang iba pang magagaling na mamamahayag ng wire agency sa buong mundo, kabilang na ang mga nangangalap ng balita sa Gitnang Silangan.

Ayon sa ipinalabas na kalatas ng Department of Foreign Affairs (DFA), si Lim, miyembro ng Beijing Press Corps ay palaging nauuna sa breaking news mula sa China.

Kabilang sa mga ‘scoop’ o siya lang ang nakakuha ng istorya ay ang naging desisyon ng pamahalaang China na linisin ang $1.70 trillion na utang sa mga lokal na pamahalaan; paghirang sa magiging tagapamahala sa bagong banking, securities at insurance regulatory body; at ang plano ng China na magbuo ng dalawang aircraft carrier na gawa sa mga lokal na produkto.

Ayon pa sa DFA, ito ang ikalawang pagkakataon para kay Lim na makatanggap ang Reuter’s global annual journalism awards dahil sa kanyang kahusayan sa pangangalap ng mga balita.

Noong 2007, nakuha rin ni Lim ang titulong ‘Scoop of the Year’ award matapos mahulaan ang bubuo sa 25-kataong kasapi ng 17th Politburo Standing Committee ng China Communist Party, ang pinakamataas at makapangyarihang sangay ng partido.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply