Pinoy kulong sa bigamy sa United Kingdom

KONSIYENSIYA pa rin ang umiral sa isang Filipino matapos sumuko sa British police upang aminin na kasal na siya sa Pilipinas bago pa pakasalan ang kasintahang Pranses.

Sa nakalap na impormasyon mula sa British embassy sa Pilipinas, kinilala ang Pinoy na si Van Dexter Fuentespina, 23-anyos at nag-aaral sa Unite Kingdom

Hinatulan si Fuentespina ng walong buwang pagkakakulong, suspendido ng 18 buwan at pagbibigay ng community aservice ng 120 oras matapos na umaming nagkasala sa kasong bigamy at pagsisinungaling.

Umayuda naman ang embahada ng Pilipinas sa London kay Fuentespina upang tiyakin na hindi nalalabag ang karapatang pantao nito sa inilatag na hatol kamakailan.

Batay sa imbestigasyon, itinago ni Fuentespina ang katotohanan na may asawa at dalawang anak na siya sa Pinas nang dumating ito sa London, taglay ang isang student visa, noong Setyembre 2009 at magpakasal sa dayuhang kasintahan noong Setyembre 2011.

Nananawagan naman si UK Border Agency Regional Manager for East Asia Ed Mackie sa mga Pinoy na hinihikayat ng kanilang pamahalaan ang mga nais magtungo sa kanilang bansa upang bumisita, mag-aral o magtrabaho subalit hindi kailanman kukunsintihin ang pagsisinungaling, lalo na ang pagkakaroon ng dalawang asawa dahil ito ay isang kasong kriminal.

“Malinaw ang aming mensahe, hindi naming papayagan na abusuhin ang batas at gagawa kami ng tiyak na hakbang upang panagutin ang mga nasasangkot,” pagbabanta pa ni Mackie.

Lumabas sa imbestigasyon na unang ikinasal si Fuentespina sa asawang Pinay noong Mayo 2009 sa Iloilo City.

Umamin din ang Pinoy na nagawa lamang nito ang krimen dahil sa kagustuhan na maging permanente ang paninirahan nito sa Ingglatera at matanggap ang kinauukulang benepisyong nakalaan para sa mga residente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply