Pinoy na HIV positive sa Kuwait nasa Pilipinas na

NASA bansa na ang Filipino overseas worker (OFW) na nagpositibo sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa Kuwait.

Nagawang makalikom ng sapat na pera ng Pinoy na hindi pinangalanan, matapos manawagan ng tulong sa kapwa niya mga OFW para mabayaran ang kanyang pagkakautang.

Matatandaang binigyan lamang ng 15 araw ng Kuwait Ministry of Health ang Pinoy na manatili sa nasabing bansa matapos magpositibo sa HIV.

Ang nasabing Pinoy ay nagtrabahong chef sa isang hotel sa nasabing bansa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply