Pinoy nurse kinatay sa Qatar

PINAGSASAKSAK hanggang sa mamatay at sinunog pa ang isang Filipino nurse sa kanyang apartment sa Doha, Qatar.

Kinilala ng Embahada ng Pilipinas sa naturang bansa ang biktima na si Orlando Jun Meneses, isang nurse na nakatalaga sa Hamad Hospital.

Ayon sa ulat, ni Vice Consul Gilbert Segarra ng Philippine Embassy sa Qatar, natanggap nila ang ulat kaugnay sa naganap na insidente nitong nakaraang Huwebes ng hapon na mayroong isang Pilipino nurse sa Hamad Hospital na natagpuang patay sa kanyang apartment

Batay pa sa ulat, ang bangkay ng biktima ay nadiskubreng tadtad ng saksak at sinunog pa ang katawan.

May tatlo sa apat na suspek ang pinalaya matapos ang insiyal imbestigasyon.

Pinoy ang isa dito na naninirahan din sa apartment ng biktima ang iniimbestigahan.

Bago matagpuan ang bangkay, narinig ng ilang testigo na nagmamakaawa ang biktima sa suspek.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa likod ng pamamaslang.

Umapela naman ng tulong ang pamilya ng biktima para sa agarang ikadarakip ng pumaslang sa kanilang kaanak.

Inaayos na ng kapatid ni Meneses ang mga kaukulang dokumento para maiuwi na ang labi ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply