Pinoy painter ninakawan ni Mayweather

ISA na namang kaso ang posibleng kaharapin ng boksingerong si Floyd Mayweather  Jr., makaraang tangayin ang painting ng isang Pinoy painter sa California.

Ayon sa pintor na si Jun Aquino, isa siya sa mga nag-aabang para masulyapan ang mga boksingero na kasama sa presscon sa Westcoast Amerika nang dumating si Mayweather sakay ng kanyang kotse.

Nang sabihan aniya siya ng driver ni Mayweather na ibigay sa kanya ang painting ay agad niyang iniabot ang painting kasama ang pentel pen para papirmahan sa boksingero sa pagnanais na ma-display iyon sa kanyang shop.

Pero nang maabot na ng driver ang painting ay agad nitong pinasibad ang sasakyan na sakay si Mayweather.

Nabatid na ang nasabing painting ay nagkakahalaga ng $50 million.

Binibigyan naman ni Aquino ng ilang araw si Mayweather para isauli ang kanyang obra.

 

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply