Pinoy pug Jaro sinukbit ang WBC flyweight crown

MAY bagong kampeon na naman mula sa lahing kayumanggi.

Muling itinaas ni Filipino pug Sonny Boy Jaro ang bandila ng Pilipinas matapos kunin ang World Boxing Council (WBC) flyweight crown kahapon (Marso 2) sa Chonburi, Thailand.

Tinalo ng ipinagmamalaki ng Binangonan, Rizal na si Jaro ang dating kampeon na si Thai legend Pongsaklek Wonjongkam matapos magtala ng kagila-gilalas na 6th round knockout win.

Sa katunayan ay halos dominahin ni Jaro ang kabuuang laro kasama na dito ng pabagsakin niya si Wonjongkam sa una at ikatlong round.

Dahil sa panalo ng 29-anyos na si Jaro ay nakamit niya rin ang Ring Magazine flyweight title kasama na ang pag-akyat ng boxing recod na 34 wins, 10 losses at 5 draws na may 24 knockouts.

Si Wonjongkam na bayani sa bansang Thailand pagdating sa larangan ng boxing ay nakamit ang ika-4 na pagkatalo sa kanyang career. Mayroon siyang tangan na 83 na panalo at 2 tabla. Liberty Icao

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply