Pinoy pug tagumpay sa title defense sa Japan

NADEPENSAHAN ni OPBF bantam ruler Rolly Matsushita Lunas (30-8-1, 18 KOs) ang kanyang korona laban kay Korean challenger Ji-Hwan Lee (5-2-1, 2 KOs), 117 sa kanilang twelve rounder bout sa Nagoya, Japan.

Nangailangan lang ang Japan-based Filipino puncher na si Lunas ng 90 minuto para patulugin ang kalaban.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nadepensahan ni Lunas ang kanyang korona.

Una siyang dumayo ng Panama para sagupain si WBA bantam champ Anselmo Moreno ngunit nalugmok sa lopsided decision noong 2008.

Muling nasungkit ni Lunas ang bakanteng OPBF bantam title nang gibain niya ang isa pang Filipino boxer na si Zerofit Jerope Zuiyama Mercado sa eight rounds noong July 2011.

Sa unang pagdepensa niya ay dinemolis ni Lunas si Kohei Ohba sa eleven rounds.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply