Pinoy rock icon Karl Roy patay na

SUMAKABILANG buhay na ang Filipino rock icon na si Karl Roy kaninang ala-una ng madaling araw.

Mismong ang kapatid ng Pinoy rock icon na si Kathryn ang nagkumpirma nito sa pamamagitan ng Facebook.

“It is with deepest sadness that I share the news of Karl’s passing. He was called Home today at 1:01 a.m. Manila time (Tuesday, March 13th), surrounded by those who loved him most – mommy, Keith, Kevin, Krys, his daughter Arianna, and our cousin Jack (Roy-Duavit),” ayon sa status ni Kathryn.

Hiniling ni Kathryn na ipagdasal ang yumaong kapatid.

Si Karl Roy ang front-man ng ilang banda gaya ng Advent Call, POT at Kapatid.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply