Pinoy seafarer tumalon sa dagat, naglaho

BIGLANG naglaho ang isang Filipino seafarer nang tumalon ito mula sa barkong sinasakyan patungong Caper Town, Africa.

Batay sa imbestigasyon nabatid na hinihinalang nagpatiwakal ang 39-anyos na biktima na kinikilalang si Jose Gerry Inso Impas na nagtatrabaho bilang pipe-fitter ng barkong M/V Universal Barcelona.

Depresyon ang nakikitang motibo ng pagpapakamatay ni Impas dahil kamamatay lamang ng kanyang ama.

Matapos ang isang araw na paghahanap sa Pinoy, itinuloy na ang biyahe ng barko at iniwanan sa laot ang tumalong Pinoy

Samantala, duda naman ang mga kaanak na nagpakamatay si Impas lalo na at manganganak ang misis nito.

Makikipag-ugnayan naman ang Department of Foreign Affairs sa manning agency at may-ari ng barko para pag-aralan kung kinakailangan pang muling hanapin ang Pinoy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply