Pinoy seaman missing sa nasunog na tanker

MISSING pa rin ang isang Pinoy seaman nang masunog ang isang chemical tanker sa karagatan ng Bahrain.

Nakaligtas naman sa insidente ang 24 iba pa, pawang mga nagtatrabaho sa chemical tanker na MV Stolt Valor, 12 sa kanila ay nakabalik na sa bansa kahapon ng madaling-araw.

Nabatid na nagmula sa Jubail, Saudi Arabia ang chemical tanker sakay ang mga tripulanteng Pinoy papuntang Bahrain nang masunog habang nasa kalagitnaan ng dagat.

Agad nailigtas ng US Navu ang 24 biktima pero nananatiling nawawala ang isa pa.

Iniimbestigahan na ang dahilan ng sunog.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply