Pinoy workers kailangan sa S. Korea para sa 2013 Asian Games

HINIKAYAT ngayon ng pamahalaan ng South Korea ang mga manggagawang Filipino sa pagbubukas ng mga panibagong trabaho sa kanilang bansa para sa paghahanda sa 2013 Asian Games.

Ang South Korea ang napiling mag-host at pagdarausan ng Asian Games sa susunod na taon.

Ayon kay Vice President Jejomar Binay, ang panawagan ng South Korea ay batay sa kanyang pakikipagpulong sa mga negosyante sa bansa na sinabi na kakailanganin ang mga manggagawa sa industriya ng hotel at restaurant.

Nakipagpulong din si Binay sa Filipino community at tiniyak nito ang patuloy na pakikipag-usap ng pamahalaan sa pamahalaan ng South Korea para mabigyan ng solusyon ang problema ng mga immigrant at overseas Filipino workers.

Nilagdaan na rin ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Commission on Filipinos Overseas at ng Korean Ministry of Gender Equality and Family na layong bigyan ng proteksyon ang mga Pinoy na may asawang Korean.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply