Pinoys number 1 shabu users sa Asya

ANG mga Pinoy ang nanguna sa listahan ng United Nations (UN) na may pinakamaraming shabu user kumpara sa iba pang bansa sa Asya.

Ito ang lumabas sa ginanap na kumperensya ng UN Office on Drugs and Crime sa Tokyo, Japan noong nakalipas na Pebrero.

Sa ulat, lumalabas na mahigit dalawang porsiyento ng populasyon sa Pilipinas ang gumagamit ng shabu na may edad 16 hanggang 64.

Inalmahan naman ito ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-illegal Drugs Task Force sa paniwalang posibleng hindi nagsumite ng tunay na report ang ibang bansa, habang ang Pilipinas ay nagpadala ng makatotohanang ulat.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply