Pinoys sa Saudi binalaan sa malalaswang larawan

PINAALALAHANAN ng mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy sa Saudi Arabia na maghinay-hinay sa paglalagay ng malalaswang larawan ng kababaihan sa facebook at iba pang social media sites dahil posibleng pagmulan ito ng kanilang matinding problema.

Inilabas ng Philippine Embassy sa Riyadh ang babala makaraang makatanggap ng komento sa inilagay na larawan ng isang organisasyong kinabibilangan ng mga Filipino community sa isang modelong babae na naka-base sa Saudi Arabia na nakasuot ng manipis na damit at aninag ang kabuuan ng katawan.

Ayon sa opisyal ng Embahada, umani ng negatibong reaksiyon mula sa  mamamayan ng Saudi ang lumabas na larawan sa online kaya kaagad na ipinarating nila sa opisyal ng embahada na pagsabihan ang Filipino community na iwasan ang paga-upload ng katulad na uri ng larawan.

Ipinaalala ng opisyal ng Embahada na taliwas ito sa kultura at paniniwala ng mga mamamayan ng Saudi dahil lubha silang sensitibo sa ganitong mga uri ng larawan na hindi dapat kumakalat sa social media sites.

Kailangan aniyang maging maingat at huwag padalos-dalos ang lahat ng mga Pinoy sa Saudi sa paglalagay ng mga larawan at videos sa facebook at iba pang social media sites  dahil magiging daan lamang ito upang gumawa ng kaukulang hakbang laban sa kanila ang awtoridad sa naturang bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply