Pipi’t bingi na mga bata, dinudukot, ginagawang sex slave

NABUKING ang modus operandi ng “Kidnap Pipi Gang” na nandudukot ng mga batang pipi at bingi para gawing sex slave, pulubi at iba pang mapagkakakitaang gawain.

Sa pahayag ng isang biktima na nakatakas sa sindikato, ikinuwento niya sa pamamagitan ng sign language na dinukot siya ng mga lalaki sa isang lugar sa Quezon City, binusalan saka pinaamoy ng pampatulog.

Pero nang magising aniya siya sa bandang Luneta ay nagawa niyang makatakas sa pamamagitan ng pagtalon sa sinasakyang jeep na agad namang tinulungan ng mga tao sa lugar.

Sa ulat ng pulisya, may ilang insidente na rin silang naitatala hinggil sa kuwento ng bata.

Kasunod nito, agad din silang nagsagawa ng follow-up operation sabay paalala sa publiko na mag-ingat lalo na silang target ng mga sindikato.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply