Pisngi ng wetpaks ng broadcaster/TV personality kitang-kita habang nagdya-jogging

NALILIBANG ang kaibigan namin sa pagdya-jogging sa UP campus sa Diliman Kyusi tuwing umaga dahil sa isang broadcaster/ TV personality na regular ding tumatakbo roon. Inspirado raw siyang nakasasabay sa pag-e-exercise ang idol niyang kilalang personalidad. Isa pa’y nalilibang din daw siyang silipan si broadcaster dahil sa suot nitong mini-skirt.

Kaiba raw ang sinusuot na mini-skirt ng bida natin dahil nakapupukaw daw ito ng damdamin. Imagine, habang tumatakbo raw itetch ay lumalabas naman ang pisngi ng wetpaks nito. Masyado raw kasing maiksi ang palda nito at yung pang-ilalim ay medyo lamang lang ng konti sa panty. Hahaha!

Hindi raw niya lubos-maisip na ang isang iginagalang na tagapagbalita sa radyo at telebisyon ay nasisilipan lamang niya ng ganon lang kasimple. Bubuntot lang siya rito at ‘yun na, kitakits n’ya na ang pige nito. Hehehe!

Well, baka naman sinasadya talaga nitong nagpasilip para ipakitang kahit malapit na siyang maging golden girl ay sexy pa rin siya at punong-puno pa ng asim. Ehek!

Naku, kaya pala crush na crush siya ng isa ring TV and radio personality na binat na, este, binata na uli ngayon. Very vocal nga ito sa kanyang feelings. ‘Yun nga lamang, may asawa na kasi ang hitad. Eh, yung mestisong partner kaya nito sa radyo na may sariling paliparan sa noo, hindi kaya nae-el sa kanya? Balitang laman daw ito ng beerhouse parati. Kapag ganyang mahilig pumasok sa bahay-aliwan, mainit ang dugo nyan.

Hikhikhik!

Anyway, maliban sa friendship naming tsikadora na nagsiwalat ng tsikang ito, kami rin ay umiidolo sa pinag-uusapan nating personalidad dahil sa napaka-calm at relax ng voice nito sa tuwing tumatalakay sa mga isyung panlipunan kaya intinding-intindi natin ang pinagsasabi niya.

Oh, sya, guess at your own risk. Balita pa namang mataray ito at rumaratsada ang bibig kapag nagagalit. Tatahi-tahimik lang siya kunwari, pero caution please, lumalaki pati ang kanyang mga mata at mga litid sa leeg kapag umiinit ang ulo.

***

Miles, April at Kiray may alitan

NILINAW kamakailan ni Kiray na taliwas sa kasalukuyang takbo ng kanilang istorya sa “Luv U” kung saan may tampuhan silang magpi-pinsan, nanatili silang close nina Miles Ocampo at Angeli Gonzales. Aniya, magkakaiba man ang personalidad, nauuwaan nila ang isa’t isa.

“Pare-parehas naman kaming kikay, you know,” ani Kiray.

Dagdag pa niya na kung magkakatampuhan sila sa hinaharap ay normal lang iyun para sa magkakaibigan.

Para sa mga updates, i-follow ang @LUVUBarkada sa Twitter, o i-like ang official Facebook page: http://www.facebook.com/LUVUBarkada.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply