Piston humirit ng P1 fare hike

MULING humihirit na P1 dagdag sa pamasahe ang Pinag-Isang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Hinihingi  ng grupong Piston ang karagdagang P 1 sa minimum fare o pag-aakyat nito sa P9 minimum na pamasahe sa pampasaherong jeepney.

Sinabi ni Piston President George San Mateo na ito ay dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Bukod sa pisong dagdag sa pamasahe, kinalampag din ng Piston ang Palasyo kaugnay sa pagtatanggal ng 12 percent Value Added Tax (VAT) sa langis at ang pag-iimbestiga sa over pricing at oil cartel. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply