Pistons suki ng Knicks

MATAPOS mabigo sa Toronto Raptors ang New York Knicks ay bumangon agad ang mga ito upang sugpuin ang Detroit Piston, 101-79 kaninang umaga sa naganap na 2011-12 National
Basketball Association, (NBA) regular season.

Humataw ng 17 puntos, walong rebounds at dalawang assists si Amare Stoudemire upang itarak ang pang-anim na panalo sa pitong laro sapul ng hawakan sila ni Knicks interim coach Mike Woodson.

“There’s nothing to be worried about,” ani Stoudemire.

Parehong 15 points naman ang kinamada nina Carmelo Anthony at Tyson Chandler kung saan ay 17 rebounds ang huli upang ilista ang 24-25 win-loss slate ng Knicks at manatiling nasa pang-walong puwesto sa Eastern conference.

“We felt like we let one go and we didn’t come out with the energy that we needed to in that game,” sabi ni Chandler. “We wanted to come out tonight with a purpose and get back on the right track.”

Nag-ambag din si Knicks bench player J.R. Smith ng 14 markers at pitong boards habang si point guard Jeremy Lin ay may 13 pts. at tig tatlong rebounds at assists.

Kinulang naman ang 20 puntos at tig dalawang assists at steals ni Ben Gordon kaya naman lumagapak ang Pistons sa 16-32 panala-talo karta at lasapin nila ang ikatlong pagkabigo sa Knicks sa season na ito.

Pumangalawa sa opensa ng Detroit si Greg Monroe na may tinikadang 12 markers at limang rebounds.

Samantala, dumaan sa butas ng karayom bago manalo ang Chicago Bulls sa Raptors, 102-101 habang giniba ng defending champion Dallas Mavericks ang Houston Rockets, 101-99.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply