Pitong pusher ng shabu laglag sa PDEA

PITONG tulak ng ipinagbabawal na droga ang nadakip ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Bukidnon at Cebu.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang mga nahuling sina Rasmiah Carbal Alim, 38 at mister na si Moalim Alim, 39, pawang ng Barangay 1, Springside, Malaybalay City; at mga kasamang sina Cairon Gango, 33 at kapatid na si Carbal; Tago Fai, 43; Omar Diampoan, 34 at  Dima-arig Barobaro, 45; pawang DVD vendors at mga residente ng Bontong, Lanao del Sur.

Ang mga suspek ay nadakip ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office 10 (PDEA RO10), Bukidnon Police Special Enforcement Team (Buk PSET), RSOG 10, at CIDG Bukidnon, sa pamumuno ni Director Roberto S. Opeña sa isinagawang buy-bust operation sa bahay ni Carbal sa Barangay 1, Springside, Malaybalay City, Bukidnon.

Nakumpiska sa kanila ang 33 sachets ng shabu, buy-bust money na P5,500 at isang fragmentation grenade.

Samantala, isa pang tulak ang nadakip ng PDEA Regional Office 7 (PDEA RO7) sa isa ring buy-bust operation sa Barangay Lutupan, Toledo City, Cebu.

Kinilala ni Gutierrez ang mga suspek na sina Jay C. Larong, 40, ng Barangay Lutupan, Toledo City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply