Planong pagbili ng bagong presidential car ni PNoy sinuportahan

HINDI lamang suportado ng Minorya sa Kamara ang pagbili ng bagong bullet at bomb resistant car para kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III, kungdi nag-alok din ang mga ito na makipagpalitan ng sasakyan.

Binanggit ni House Minority Leader Danilo Suarez na hindi dapat pinagtatalunan ang usapin sa kaligtasan at proteksyon ng Pangulo ng bansa matapos ilantad na ang ginagamit na limang taong Mercedez Benz ni Pangulong Aquino ay minsan nang tumirik sa Baguio City kung kaya dapat na aniya itong palitan.

Aniya, ang isang bullet resistant at bomb resistant na behikulo ay maaaring magkahalaga ng $500,000.

Sinabi pa ni Suarez, na ang 2007 model na Mercedez Benz na gamit ngayon ni Pangulong Aquino ay lumubog sa baha noong bagyong Ondoy kung kaya marami na itong diperensiya.

Upang maging madali naman ang negosasyon, iminungkahi ni Iloilo Rep. Augusto “Buboy” Syjuco ang “straight-trade-in” sa lumang sasakyan ng Pangulo kapalit ng kanyang armored 2011 model SUV Land Cruiser vehicle na isa ring bullet resistant.

Ayon kay Syjuco, ito ay upang makatipid ang gobyerno at makatitiyak siyang pangbinata ang kanyang sasakyan at hindi pangmatanda.

Sinabi ni Syjuco na nakipag-ugnayan na siya ukol dito kay Executive Secretary Paquito Ochoa subalit wala pa aniyang sagot.

Ipinagmalaki pa ni Syjuco na ang kanyang SUV ay ginawa pa sa Dubai.

Magkgayunman, nilinaw ni Syjuco na nag-alok siya ng sasakyan sa Pangulo hindi para maging kapalit ng kanyang Priority Development Assistant Fund (PDAF) na hanggang ngayon ay hindi pa rin iniisyu ng Department of Budget and Management.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply