PMA nagbabala vs silent killer na air pollution

MULING nagpaalala ang Philippine Medical Association (PMA) sa mga residente ng Metro Manila na maging maingat laban sa air pollution na itinuturing nilang ‘silent killer’ at banta sa buhay ng mamamayan.

Ang paalala ay ginawa ni Dr. Mardave Martinez, vice president ng PMA, kasabay nang pagsasagawa ng multi-sectoral roadside anti-smoke belching apprehension drive sa C-5 road sa Pasig City kaninang umaga.

Nabatid na ang naturang roadside campaign ay resulta ng katatapos na Clean Air Summit for Metro Manila noong nakaraang linggo na inorganisa ng iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Department of Health (DOH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), PMA at iba pa.

“As long as you are living in the metropolis you cannot escape the clear and present danger of this silent and mass killer mainly because chronic breathing of polluted air has scientifically been proven to be unhealthy to human life,” babala pa ni Martinez.

Paliwanag nito, ang air pollution ay maaaring mauwi sa iba’t ibang respiratory diseases tulad ng lung cancer, cardiovascular diseases gaya ng heart attack at stroke, neurologic problems kabilang na ang impaired Intelligence Quotient (IQ) at maging sudden death o biglaang pagkamatay.

Batay aniya sa 2008 figure ng DOH, mula sa 461,581 recorded deaths mula sa mga sakit ay 160,415 o 34.75 % ang naitalang bunsod ng air pollution.

Lumitaw din na may 1.3 milyon tao sa buong mundo ang namatay dahil sa outdoor air pollution at 2 milyon pa ang naitalang human deaths dahil naman sa indoor pollution taun-taon.

Babala pa ni Martinez, ang mga bata ang pinakamadaling mabiktima ng air pollution, batay pa rin sa istatistika ng DOH.

Umaasa naman ang PMA na sa pamamagitan nang pagtutulungan ng mga private at public sector ay makahahanap ng pangmatagalang solusyon sa problema sa polusyon sa hangin ng Metro Manila.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply