PNCC pinakakasuhan na sa P4-B utang

PINAKAKASUHAN na ng House Committe on Good Government and Accountability sa Toll Regulatory Board (TRB) ang Philippine National Construction Company (PNCC) sa hindi pagbabayad ng mahigit sa P4 bilyon na concession  fees.

Ito ang naging kasunduan ng nasabing komite na pinangungunahan ni Rep. Jerry Treñas, Lone District, Iloilo City sa ginanap na public hearing hinggil dito.

Hiniling din ni Treñas sa mga opisyal ng PNCC na magsumite ng kanilang 2010 financial statement sa itatakdang pagdinig ng Kongreso.

Nauna rito, iniulat ng Commission on Audit (COA) na may utang pa ang PNNC sa gobyerno sa pamamagitan din ng TRB ng P3,724 bilyon sa concession fees at penalty charges bago matapos ang taong 2009.

Hinalintulad ni Treñas ang sitwasyon na “parang dumukot ka sa kaliwang bulsa at inilipat sa kanang bulsa dahil ang PNCC at TRB ay parehong institusyon ng gobyerno.”

Sa 2009 report ng COA, ang PNCC ay may utang sa TRB na P1.06 bilyon sa concession fees dagdag pa ang P2.678 bilyon sa penalties na walang naging kabayaran sa taong 2009.

Dahil sa P4-B utang, PNCC pinakakasuhan na
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply