PNoy bagsak sa sarbey

SABI ng Pulse Asia, halos hindi nagbago ang grado sa aprubal rating ni PNoy sa mata ni Juan sa nakalipas na mga buwan.

Nasa 70% at kaunti lang ang ibinagsak ng kanyang aprubal reyting na nasa P73% noon.

Derpor oki pa ang ginagawa umano ni PNoy.

‘Yang pagtitiwala naman bilang lider ng repablik ni Juan ay 69%.

oOo

Teka nga pala.

Itong si Vice President Jojo Binay ay nakakuha ng 84% na aprubal reyting at 80% na grado sa pagtitiwala.

At itong si Chief Justice Corona ay 42% ang aprub sa kanya samantalang 89% ang hindi nagtitiwala sa kanya.

Nangangahulugan na posibleng umabot ang grado sa 100%.

Kung ikukumpara sa mga grado sa iskul ang kanilang grado, si Binay lang ang pasado.

Lahat sila bagsak, kasama si Manong Johnny Enrile, dahil sa iskul, 75% ang simula ng gradong pasado.

Siyempre, ibang istorya, Suki, kung 50% pataas ang pasado.

oOo

May napuna lang tayo.

Sa mga sinarbey, wala yatang tsuper at operator ng mga pampublikong sasakyan.

Wala ring natanong na mga kontraktuwal sa trabaho.

Wala ring natanong na biktima ng sobrang mahal na langis, kuryente at tubig.

Kasi, kung natanong ang mga ito na milyon-milyon ang bilang, tiyak na bagsak ang reyting ni PNoy.

Sa hanay lang ng mga tsuper at operator, makaraang mabigyan ang mga tsuper at operator ng mga dyipni ng consuelo de bobo na P.50 fare hike, agad na naglabas ng saloobin ang mga tsuper at operator ng mga traysikel, taxi at bus.

Lumabas ang kanilang hinanakit na wala na silang kinikita at nalulugi sa sobrang mahal na langis at value added tax.

Gutom at hirap ang buhay nila kay PNoy.

Wala kayang malaking pagkakamali ang sarbey ng Pulse Asia?

Sey niyo, Suki?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply