PNoy ‘di makikialam sa trabaho ng Kongreso

WALANG balak si Pangulong Benigno Aquino III na makisawsaw sa trabaho ng Kongreso kaugnay sa pagpapasa at pag-amiyenda sa Anti-Money Laundering Act.

Ang katwiran ng Chief Executive, alam naman ng mga mambabatas mula sa dalawang Kapulungan ng Kongreso ang bigat ng sitwasyon ng usapin.

“But I think we have communicated both to the Senate President and to the Speaker of the House and other members of both chambers’ leadership of the importance of this,” ayon sa Pangulo.

Sinasabing ang deadline para sa pagpapasa ng nasabing amyenda ay sa Mayo, taong kasalukuyan.

Kapag hindi naipasa ang naturang amyenda, kaagad na malalagay sa blacklist ang Pilipinas sa Financial Action Task Force.

At kapag napasama ang bansa sa FATF blacklist, mahaharap ang Pilipinas sa mas matinding counter-measures o kaparusahan na magbibigay naman ng matinding epekto sa OFWs na nagre-remit ng pera sa Pilipinas.

Nakatakda namang mag-adjourn ang sesyon ng Kongreso sa Marso 23 at magre-resume sa Mayo 7.

Nauna nang ibinasura ng Senado ang panukalang magdaos ng special session para talakayin ang AMLA amendments.

Ang panukalang batas sa AMLA amendments ay bahagi ng 10 priority measures na nauna nang inanunsyo ni PNoy at isinumite sa Legislative Executive Development Advisory Council.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply