PNoy ipinahiwatig ang banta sa kanyang buhay

MAY namumuong destabilization plot laban kay Pangulong Benigno Aquino III.

Sa idinaos na 26th Founding Anniversary Celebration ng PSG sa PSG Grandstand, Malacañang Park, sa Lungsod Maynila ay nagpahiwatig ang Pangulo kaugnay sa umano’y pagbabanta laban sa kanyang buhay.

Isiniwalat ng Punong Ehekutibo na marami ang nasagasaan sa ipinatutupad na reporma at gusto nilang makabalik sa dating sistema.

Aniya, alam naman ng mga taong nagbabalak na patalsikin siya sa puwesto na hindi siya papayag sa gusto ng mga itong mangyari kaya nais nilang mawala siya sa eksena para walang mang-usig sa mga ito.

Subalit, siniguro ng Chief Executive na hindi niya papayagang magtagumpay ang mga taong may masamang balak dahil buo ang kanyang loob, kasama ang PSG na siyang nagsisilbing kalasag laban sa mga nagtatangkang hadlangan ang reporma.

Kasabay nito, personal na pinasalamatan ni Pangulong Aquino ang PSG dahil sila ang nagligtas sa kanyang buhay nang tambangan sa kasagsagan ng mga kudeta laban sa inang si dating Pangulong Cory Aquino.

Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang kanyang mga pinasimulang benepisyo para sa hanay ng Armed Forces of the Philippines na kinabibilangan ng PSG.

Kabilang rito ang mga pabahay, modernong armas at iba pang kagamitan para hindi ulit maturingang kawawang ‘cowboy.’

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply