PNoy nasa Cambodia sa Semana Santa

TUTULAK pa-Cambodia si Pangulong Benigno Aquino III ngayong Mahal na Araw para dumalo sa ASEAN meeting.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na aalis si Pangulong Aquino sa darating na Lunes Santo (Holy Monday) at babalik sa Pilipinas sa Miyerkules Santo o Holy Wednesday.

Aniya, si Pangulong Aquino gaya ng ibang Filipino ay naghahanda rin na gunitain ang Semana Santa subalit patuloy na magtatrabaho habang Holy Week break.

Sa kabilang dako, wala namang ideya si Lacierda kung saan pupunta at kung ano ang aktibidades ni Pangulong Aquino sa Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday.

Magbabantay naman ng mga paliparan, daungan at mga terminal si Pangulong Benigno Aquino III sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Ito ay sa kabila ng nakatakdang biyahe ni Pangulong Aquino sa Cambodia.

“I think, if I am not mistaken during Baguio he mentioned that he would like to inspect also the ports and terminals. We’re just verifying what date he will be doing that. But he will also be concerned with the security preparations for the bus terminals and for the seaports as well. This happened last year and he will continue to monitor the situation,” ang pahayag pa rin ni Lacierda.

Ipinaubaya naman ng Malakanyang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbibigay ng detalye kaugnay sa foreign trips ng Punong Ehekutibo ngayong taon.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ang DFA ang naghahanda ng itinerary ni Pangulong Aquino sa ibang bansa kaya’t mas mabuting sila ang magbibigay ng detalye.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Aquino na bago mag-Holy Week, biyaheng Cambodia ito para dumalo sa ASEAN meeting at posibleng tutuhugin nito ang Estados Unidos at United Kingdom sa Mayo o sa Hunyo.

Sinasabing mayroon din siyang biyahe sa Russia at susundan ng state visits sa Australia at New Zealand.

Hindi naman sigurado ngayon si Pangulong Aquino kung matutuloy siya sa Rome sa darating na Oktubre 21 para dumalo sa canonization ni Blessed Pedro Calungsod.

Kapuwa inimbitahan nina CBCP president Jose Palma at Ricardo Cardinal Vidal, archbishop emeritus ng Cebu, ang Chief Executive upang personal na masaksihan nito ang canonization ni Calungsod, pangalawang santong kinilala ng Roma matapos si San Lorenzo Ruiz.

“It depends. October is our budget season. Ang pinakaano ko, yung November sa Cebu. Pag nagpunta ng Rome, maoobliga ka na bisitahin ung ibang bansa.”

Tinukoy nito ang mga karatig-bansa ng Roma gaya ng Spain, Belgium, France at Germany na may mga imbitasyon din si Pangulong Aquino na bisitahin ang kanilang mga bansa.

Samantala, para naman kina Palma at Vidal, isang malaking karangalan at kagalakan sa buong bansa kung makadadalo si Pangulong Aquino sa Roma at national thanksgiving sa Cebu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply