PNoy: Pera pera ang 40kph

ANO na ba ang nangyayari sa gobyerno?

Akala ko ba ay inuubos na ni PNoy ang mga korap?

Lumalabas kasing habang inginungudngod sa lupa ang mga korap sa “nakaraang administrasyon”, lumilitaw naman ang mga bagong korap.

oOo

Kapain natin yang 40 kilometers per hour na ispid limit sa EDSA.

Akalain ba nating gustong lagyan ng mga onorabol ang mga bus ng ispid limiter na nagkakahalaga ng P10,000 kada yunit?

May rason ang mga hunghang sa paglalagay ng ispid limiter: Para mapuwersa umano ang mga tsuper na sumunod sa pinakatuling takbo na 40KPH.

oOo

Kapag kinapa mo naman nang malalim ang debays o gamit na ispid limiter, aba, multimilyon palang negosyo.

Por eksampol, kung may 1,000 bus sa EDSA na lalagyan ng ispid limiter, tumataginting yan na P10 milyon ang benta ng negosyante ng debays na yan.

Eh, mahigit na 6,000 ang bus na dumaraan sa EDSA.

Kayo na, Suki, ang magkuwenta kung magkano ang kikitain ng mga negosyante na tindero ng ispid limiter.

Siyempre pa, tulo laway ang mga onorabol na nagpipilit na lagyan ng ispid limiter ang mga bus.

Meron din silang malalaking tipak sa hatian diyan.

Tuloy-tuloy ang kita ng mga korap dahil tuloy-tuloy rin ang sira at depekto ng debays na yan.

oOo

Sa totoo lang, kung yang 40KPH ang patakaran, kayang sundin yan ng mga  tsuper nang wala yang ispid limiter.

Pero ipipilit nga ng mga korap ang kanilang gusto para sila kumita.

Dahil sa ganitong mga onorabol, magbantay-bantay ka na, Boss PNoy.

Pag hindi mo binantayan ang mga korap na ito, sila ang magiging dahilan ng pagkaalis mo sa puwesto nang wala sa oras.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply