PNoy pinuna sa planong pagbili ng bagong sasakyan

INSENSITIBO.

Ganito tinawag ng isang militanteng kongresista si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III dahil sa planong pagbili ng isang bagong armored presidential car.

iginiit ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano, na hindi napapanhon ang pagbili ng bagong sasakyan para sa Pangulo.

Pangunahing isinusulong ng 188 Movement, mga kongresistang lumagda sa article of impeachment laban kay Chief Justice Renato Corona, ang pagbili ng nasabing modernong presidential car para matiyak ang kaligtasan at proteksyon ng punong ehekutibo.

Ani Mariano, napakamanhid ng Pangulo dahil itinaon pa ang pagbili nito habang dumaranas ng matinding hirap ang publiko bunsod ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng gasolina at LPG na siyang nagtutulak upang maitaas rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Pinaratangan pa ng kongresista ang Pangulong Aquino na walang ipinagkaiba sa mga tiwaling opisyal na binabatikos nito dahil siya man din ay inuuna ang kaniyang luho sa halip na tugunan at ibigay ang pangangailangan ng mamamayan.

Iginiit pa ni Mariano na hindi kailangan ni Pangulong Aquino ang bullet proof vehicle dahil sapat ang kapasidad at makabagong kagamitan ng Presidential Security Group para protektahan ang Pangulo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply