PNoy sa PMA grads: ‘Wag maging corrupt’

BINALAAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang bagong graduates ng Philippine Military Academy (PMA) Class 2012 na iwasang masangkot sa korapsyon sa oras na naglilingkod na sila sa bayan.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Aquino sa harap ng 187 miyembro ng PMA’s “Bagwis” Class 2012  sa graduation rite ng mga ito sa Fort del Pilar sa Baguio City na mag-ingat na mapasangkot sa korapsyon dahil may kalalagyan sila.

“Huwag sana kayong magugulat kung sasabihin kong congratulations, tapos na ang apat na taon ninyong bakasyon dito sa Fort del Pilar. Tapos na po ang practice, simula na ang pagharap sa tunay na suliranin ng inyong piniling larangan, ang pagtugon sa tunay na problema ng ating lipunan. Panahon ang tunay na sukatan ng inyong pagkakawal … at higit sa lahat marahil ang pagkatao ang pagharap sa sangandaan,” ayon kay Pangulong Aquino.

Binalaan din ni Pangulong Aquino ang mga ito na maging handa sa pinakamapanganib na kaaway kabilang na ang mga armadong grupo sa mga bulubundukin o criminal grands sa mga karatig-lalawigan.

Tila kinonsensiya  din ng Punong Ehekutibo ang mga ito sa pagsasabing ang bawat pagkakasangkot sa korapsyon ay may isang “Juan at Juana dela Cruz” na nagsa- suffer.

Bukod dito, wala pa aniyang indibiduwal na naging masaya sa ninakaw na pera sa pangambang mahuhuli ng kinauukulan at makulong.

Maging aniya ang magtago ng nakaw na yaman ay magbibigay ng malaking problema sa taong gagawa nito.

Bilang panghuli ay pinaalalahanan ng Punong Ehekutibo ang bagong graduates na tupdin ang kanilang responsibilidad at patuloy na ingatan ang tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng taumbayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply