PNoy sa PNPA: Taas noong isuot ang uniforms

ISUOT nang taas noo ang inyong mga uniporme!

Ito ang hamon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa bagong pulis, bumbero at jail officer sa pamamagitan ng matapat na pagtupad sa tungkulin at paglaban sa korupsiyon sa kanyang talumpati sa graduation rites ng Sinagtala Class 2012 sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Cavite.

Ang bagong graduates sa PNPA ay hiwa-hiwalay na magsisilbi sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Jail Management and Penology.

Payo ni PNoy na dapat tularan ng mga bagong tapos na pulis ang katapangang ipinamalas ng kanilang mga kasamahan na nakipaglaban sa mga rebelde.

Ginawa ring halimbawa ng pangulo si Senior Inspector Jay Dimaala na nanguna sa pakikipaglaban sa 30 rebelde na sumalakay sa isang outpost sa Panabo, Davao del Norte noong Marso 2011.

Hamon din ni PNoy na mapababa ng bagong grupo ang krimen sa bansa tulad ng pagbaba sa kalahati ng mga kaso ng carjacking mula 2009 hanggang 2011.

Binalaan din niya ang mga ito laban sa mga pang-aabuso na maaaring maging dahilan para mawala sa kanila ang respeto at suporta ng mamamayan.

 

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply