PNoy tiwalang hindi tatraydurin ng AFP

WALANG dahilan para magsagawa pa ng loyalty check ang pamahalaan sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang reaksyon ni Deputy Presidential spokesman Edwin Lacierda sa ulat na may retired military officers ang nagsimula nang gapangin ang mga aktibong AFP personnel para sumama sa kanilang planong kudeta laban sa Aquino administration.

Sinabi naman ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na wala silang nakiitang rason para doblehin ang seguridad ng Chief Executive lalo pa at itinaas na ng Presidential Security Group (PSG) ang antas ng kanilang seguridad.

Sinabi pa rin niya na malabong mag-aklas ang AFP laban sa Punong Ehekutibo dahil patuloy ang ginagawang reporma sa AFP kabilang na ang ibinigay na bagong kagamitan ng mga ito para sa ground forces at pabahay para sa mga sundalo.

Habang para naman sa PSG ay pinapanatili nito ang mataas na antas ng seguridad.

“Laging mataas ang antas ng security ni Pangulong Aquino. Aware ang PSG of the need for the highest security for the president,” anito.

Kamakalawa, Marso 5 ay isiniwalat ni Senador Antonio “Trillanes IV na totoong may planong destabilization plot laban sa Chief Executive na sangkot ang mga retired military officer na pilit na nire-recruit ang mga miyembro at opisyal ng AFP.

Sinabi ng senador na bibigyan ng debriefing kits ang mga mahihikayat ng sundalo upang ipakitang komunista ang Pangulong Aquino.

Sa kabilang dako, sinabi naman ng Armed Forces na hindi pa sila nakakatanggap ng kahit na ano mang impormasyon ukol sa bagay na ito sabay sabing nananatiling matatag ang chain of command.

“I can assure you that your Armed Forces of the Philippines remains a professional organization and united and solid behind the leadership of our President and commander-in-chief,” ayon naman kay AFP spokesperson Col. Arnulfo Marcelo Burgos sa isang ulat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply