PNP alertado sa Semana Santa

KINUMPIRMA ngayon ni Philippine National Police (PNP) spokesman General Agrimero Cruz, na inilagay nila sa heightened alert ang buong puwersa ng pambansang kapulisan sa bansa ngayong Semana Santa.

Ayon kay Cruz, 100% na ng kanilang puwersa ang ipinakalat upang bantayan ang seguridad ng mga bakasyunista.

Binabantayan na nilang mabuti ang mga bus stations, daungan, paliparan, istasyon ng tren at mga tourist destination para hindi madala ang mga magbabakasyon.

Samantala, kaugnay naman sa pagkalat ng kriminalidad na kinasasangkutan ng mga riding in tandem, nagpaplano na rin ang kapulisan ng isang bagong estratehiya upang mabawasan at tuluyang masawata ang mga ito.

Ilan sa kanilang hakbang na isinasagawa ay ang proposal ng vest na may numero at helmet para sa kaligtasan ng mga riders at mabago ang itsura ng mga plaka ng mga motor.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply