PNP full alert na simula mamaya

SIMULA mamayang hapon ay itataas na sa full alert ang Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda sa Semana Santa.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ang pagtataas ng kanilang alerto ay bilang bahagi ng kanilang preparasyon sa seguridad sa Semana Santa.

Ayon sa PNP spokesman, kanilang inaasahan ang pagdagsa ng mga tao patungo sa mga probinsya para magpanata at magbakasyon.

Itatalaga ang limang libong police sa mga pantalan, paliparan, terminal ng mga bus, malls, simbahan at mga lugar na pinupuntahan ng mga tao.

Maging sa pagsasaayos ng trapiko ay nakatakda na ring tumulong ang PNP sa MMDA.

Nakataas din ang alerto ng PNP para sa pag-atake ng mga terorista bagamat wala pa namang namonitor ang kanilang intelligence.

Titiyakin din ang seguridad ng police stations at command posts na target ng mga rebelde.

Ibababa naman ang full alert status ng PNP makalipas ang matiwasay na pagdaraos ng Semana Santa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply