PNP handa sa pagdagsa ng mga bakasyunista

HANDA na ang kapulisan sa pagbuhos ng mga bakasyunista sa nalalapit na Semana Santa.

Handa na rin ang mga motorist assistance center sa mga pangunahing daan sa Metro Manila na gagabay sa mga motorista na uuwi sa kani-kanilang probinsiya para gunitain ang Mahal na Araw.

Payo naman sa mga uuwi na gamit ang sariling mga sasakyan na tiyaking nasa kondisyon ang mga ito bago pa man bumiyahe upang maiwasan ang aberya o trahedya.

Ipinaalala rin ng awtoridad sa bus operators at mga may-ari ng barko at iba pang mga sasakyang pandagat na siguraduhin ang road-worthy o sea-worthiness ng kanilang mga sasakyan para sa kaligtasan ng mga mananakay.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply