Police asset, anak, isa pa binoga, patay

NASAWI ang isang police asset, anak nito at isa pang lalaki makaraang pagbabarilin sa Brgy. Holy Spirit sa Quezon City.

nabatid na sinusundo ng police asset na si Fernando Corpuz ang kanyang 3rd year Criminology student na anak na si Fernan Luis, sa kanto ng Sto. Rosario at St. Paul street nang tambangan at pagbabarilin ng apat na suspek kung saan nadamay din ang kasamahan nito na si Simplicio Yuma.

Ayon sa mga residente, nakarinig na lang sila ng sunud-sunod na putok ng baril at tumambad ang wala nang buhay na mga biktima habang nakatakas naman ang mga naka-bonnet na suspek, sakay ng dalawang motorsiklo.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply