Police asset itinumba sa Pasay City

PATAY ang isang “police asset” nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang salarin makaraang paghinalaan ang nauna na nagbibigay ng impormasyon sa pulisya hinggil sa ilegal na aktibidad ng isang sindikato kaninang umaga sa Pasay City.

Kalalabas lamang ng bahay sa 346 Magtibay St., M. Dela Cruz ng biktimang si Reynaldo Gremio, alyas “Nonoy” ng alas-7:20 ng umaga nang lapitan ng dalawang suspek at kaagad na pinagbabaril sa ulo.

Dinala pa ng kanyang mga kaanak sa Pasay City General Hospital si Gremio subalit binawian din ng buhay sanhi ng tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Sa pahayag naman ng live-in partner ng biktima na si Karen Rodrigo, 28, noon pa aniyang Disyembre, nagdaang taon nakatanggap ng pagbabanta sa pamamagitan ng text message ang kanyang kinakasama mula sa isang Menard Alfaro, alyas “Nanad” na kilalang drug dealer sa kanilang barangay.

Napag-alaman na ilang ulit nang nagsagawa ng drug bust operation ang pulisya sa naturang lugar na naging dahilan ng pagkapilay ng pamamayagpag ng sindikato ng ilegal na droga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply