Pondo ng SC nilulustay ni Corona sa depensa- solon

IBINULGAR ni House Prosecution Panel spokesman at Marikina Rep. Miro Quimbo na ginagamit at nilulustay ni Chief Justice Renato Corona ang pondo at ari-arian ng Supreme Court para sa sarilng depensa.

Sa panayam, sinabi Quimbo na natuklasan ng prosecution na ipinagagamit ni Corona ang ilang maluluhong sasakyan ng Supreme Court bilang service ng testigo ng depensa partikular ang isang Toyota Camri na may plakang SEJ-593.

“The chief justice is entitled to his defense, but you cannot use the resources of your office, smack some violations like using the resources of your office because you are the accused. He should go on leave,” ayon kay Quimbo.

Ayon kay Quimbo, dapat mag-leave of absence si Corona upang maiwasan na magamit nito ang resources ng Supreme Court na nagpapadagdag sa pagdududa na nagkamal siya ng yaman gamit ang puwesto.

Dagdag pa ni Quimbo na: “Halos araw-araw nagra-rally sila sa Supreme Court at kadalasan, doon pa magmi-meeting ang kanyang mga abogado.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply