Porter inutas ng manliligaw ng ka-livein

TIGOK ang isang porter matapos pagsasaksakin ng nabasted na manliligaw ng kinakasama ng una sa Malabon City Linggo kaninang madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng mga saksak sa katawan si Ricardo Cailau, 33, ng Tambak Uno, Tanza, Navotas.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas Deo ng Agora St., Navotas.

Sa ulat, alas-2 ng madaling-araw, naglalakad ang biktima at ka-live-in na si Ella Santos sa Women’s St., Hulong Duhat, Malabon City nang lapitan at pagsasaksakin ng suspek.

Agad na tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa PLM kung saan nabatid na nagtanim ng galit si Deo sa biktima dahil hindi makuha ang nililigawan na si Ella.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply