Power rate hike nakaamba ngayong tag-init

BUMABA man ang singil sa kuryente ngayong buwan ay nagbabala naman ang NAPOCOR ng panibagong taas sa singil nito ngayong pumasok na ang panahon ng tag-init.

Nabatid na magppaatupad ng P0.30 dagdag-singil sa kada kilowatt per hour (kwh) ng kuryente ngayong Summer.

Ayon sa NAPOCOR, bukod  sa nakatakdang pagtataas sa singil sa kuryente ay may nakabinbin pa silang petisyon sa ERC para naman sa kanilang hiling na dagdag singil na P0.60 sentimo kada kilo watt hour.

Hindi pa naman tiyak kung maaaprubahan ang nasabing petisyon ng NAPOCOR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply