Powerade Jr. may panibagong sigla

NAGPAKITA ng panibagong sigla ang Powerade Jr. sa pagbabalik sa PBA D-League Foundation Cup nang papusyawin ang Blackwater Sports sa pagpapatuloy ng elimination sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City kahapon ng hapon (Marso 20).

Nagpakita ng husay ang Powerade Tigers ng itala ang 46-40 abante sa unang dalawang quarters tungo sa pagsukbit ng buwena-manong tagumpay sa pamamagitan nina Mikee Reyes at Claude Cubo.

Nanguna sina Reyes at Cubo na may tig-18 puntos, habang nag-ambag si Fil-Am Mike Silungan ng 16 points para sa Tigers.

Nagsalansan si Kelly Nabong ng 17 puntos, 14 rebounds at dalawang steals. Nag-ambag naman sina Robby Celis at Paul Zamar ng tig-14 points para sa Sports.

Sa unang laro, nakabasag ang Erase Plantcenta sa win column matapos durugin ang kapwa bagitong Cagayan, 90-68.

Bumawi ang Erase Plantcenta mula sa 57-74 pagkatalo sa Café France noong Huwebes upang makatabla ang Blackwater Sports sa 1-1 win-loss slate.

Pumutok si Mark Acosta ng 26 puntos habang 25 markers ang inambag Jett Vidal sa pangunguna ng Erasers simula ng laro para tambakan ang Cagayan Rising Suns.

Kumana si Acosta ng 10 sa 13 attempts kabilang ang anim sa pito mula sa triple area para pangunahan ang pag-atake ng Erasers. Ang konsolasyon ng Rising Suns ay nakuha nila ang kalamangan sa rebounds, 63-44, subalit sinamantala ng Erasers ang mga pagkakamali ng Rising Suns at nakapuntos ng 18 sa turnovers.

Masama ang shooting ng Cagayan na 29 porsiyento (23 sa 78 mula sa 2-point area).

Mga laro ngayon:
2 p.m. – Big Chill vs Café France
4 p.m. – NLEX vs RnW Pacific Pipes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply